Posts

Balagtasan | Ano ang Susi sa Pag-unlad: Edukasyon o Kayamanan?

Copyright © 2023 Jennings Arrison. All rights reserved. Tema: Ano ang Susi sa Pag-unlad: Edukasyon o Kayamanan? | UNANG TINDIG | PAGSISIMULA NG LAKANDIWA: Isa na namang umaga na mapagpala Handog at alay ko para sa ating madla, Lalo na sa mga makikisig at magaganda Nating mga panauhing buhat pa sa hilaga. Karangalan kong maparito Muli rito sa entablado, Nitong tanghalang nirerespeto Ako'y muling magiging kabado. Dati'y lulong sa, ops! Hindi droga Kundi lulong at adik sa kaniya, Ngayo'y inyong magiging Lakandiwa Itong binibini sa puso't diwa. Sa mundong kayraming pintuan Alin ba ang dapat kong buksan? Anong susi ba ang dapat kong makamtan Na magbubukas sa'kin sa kaunlaran? Madalas sabihin ng aking magulang Na mas mainam kung may pinag-aralan, Ngunit tila nadadala sa kahirapan Napapaisip na magtrabaho na lamang. Hindi ko alam ang pipiliin Litong-lito na itong damdamin, Hindi mawari ang uunahin Sapagkat walang ibig sayangin. Nais ko lamang ay matulungan Aking pamilya s...

Balagtasan | Pisi sa Isip: Mental Health ng Kabataan, Tungkulin ba ng Pamilya o Paaralan?

Copyright © 2023 Jennings Arrison. All rights reserved. Tema: Mental Health ng Kabataan, Tungkulin ba ng Pamilya o Paaralan? | UNANG TINDIG | PAGSISIMULA NG LAKANDIWA: Isang mainit na pagbati sa'ting mga tagapakinig Nawa'y naging kaaya-aya yaong inyong pagliwaliw, Nawa kayo'y nakapagpahinga mula sa pagkaligalig At hindi nadala ng problemang tiyak na nakababaliw. Kung noo'y ang usapan ay patungkol sa dunong at kayamanan Ngayon nama'y pagtatalunan kung sino ang may pananagutan, Sa pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan ng kabataan Sino nga ba ang responsable? Ang pamilya ba o paaralan? Ako ngayo'y nagugulumihan, hindi batid ang kasagutan Hindi ko mawari kung aling panig ba ang aking papanigan, Mabuti na lamang at narito ang tutulong sa'kin sa pagbuo Ng solusyon kahit na parang sila ngayon ay magbubunggo. Gayunpama'y mas mainam kung sila'y kilalanin muna At ng masulyap natin ang kagalingang hatid nila, Kilatisin ng maigi, sa maamong mukha'y 'wa...

Balagtasan | Dunong o Kayamanan: Alin ang Higit na Matimbang?

Copyright © 2023 Jennings Arrison. All rights reserved. LAKANDIWA: Karangalan ko ang maparito Kayamanan ko naman ang mga naparito, Sa tanghalang respetado Ako'y inyong magiging hurado. Ako po ang inyong lakandiwa, Pinakikilala 'tong dalawang makata Na magsasalitan ng mga salita, Mga tudla nilang itutula. Sa mundong ating kinabibilangan, Alin nga ba ang mas matimbang? Ginhawang hatid ba ng karunungan O karangyaang bitbit ng kayamanan? Sa gawi kong kanan ay ang binibini Sa karunungan siya'y kakampi, Karunungan na kung ituri'y Mas matimbang daw kesa sa salapi. Sa bandang kaliwa ko naman ay kaibigang Kayamanan ang pupustahan, Ginoong maninindigang Pilak daw ang kasagutan. Wari sila'y handang-handa na Kapwa bala'y nakahilera, Wala na yatang makahahadlang pa Anumang oras ay bubunot agad ng pistola. Kaya naman atin nang simulan Nang mabigyan na ng kaliwanagan, Nang atin nang mahusga't matimbang Kapwa mabibigat nilang katwiran. Mangyari muna'y kalabitin  Yaong k...